Pagtatayo ng 20-storey Pedro Gil Residences para sa mga informal settlers sa Maynila uumpisahan na

Pagtatayo ng 20-storey Pedro Gil Residences para sa mga informal settlers sa Maynila uumpisahan na

Sisimulan na ang pagtatayo ng 20-storey Pedro Gil Residences sa Maynila.

Isinagawa ang groundbreaking ceremony sa nasabing pasilidad na ikalimang housing project ng pamahalaang lungsod ng Maynila para sa mga informal settlers at renters.

Pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang groundbreaking ceremony sa 20-storey Pedro Gil Residences na itatayo sa San Andres Bukid.

“Habang busy tayong tumatakas sa pandemya, kailangan tuloy ang ating mga pangarap. Nakakapagod. Pero hindi baleng pagod basta makita kong nakangiti kayo masaya na ako,” ayon sa alkalde.

Ang Pedro Gil Residences ay magkakaroon ng 309 residential units: 125 parking slots, health center,limang elevator para sa residential units, swimming pool, activity lawn, function room, fitness center, roof garden sa 6th floor roof deck, five units ng rentable space, outdoor activity area sa 7th, 13th, at 18th floors, at basketball court sa roof deck.

Magugunitang noong nakaraang buwan inumpisahan na din ng city government ang San Lazaro Residences na bahagi din ng housing program ng LGU.

Habang target namang makumpleto ang konstruksyon ng Tondomnium 1 at 2, at ang Binondominium ngayong taong ito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *