Procurement Service office ng DBM isinailalim sa lockdown
Isinailalim sa lockdown ang Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) dahil sa dami ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa abiso, sa partial result ng isinagawang RT-PCR test, umabot sa 82 ang total active cases sa opisina.
Dahil dito, isinailalim sa lockdown ang PS-DBM sa Paco at San Maguel sa Maynila.
Tatagal ang lockdown hanggang sa September 5, 2021.
Habang nakasailalim sa lockdown ay patuloy na magsasagawa ng testing, contact tracing, at disinfection.
Magre-resume ang regular operations ng PS-DBM sa September 6. (DDC)