Tatlong ospital ospital sa Quezon City puno na ng mga pasyente ng COVID-19
Punuan na ng pasyente ng COVID-19 ang mga ospital sa Quezon City.
Sa inilabas na update ng Quezon City LGU, ang Rosario Maclang Bautista General Hospital ay nasa 100 percent na ang occupancy rate at mayroon itong 96 na mga pasyente.
118.50 percent naman na ang occupancy rate ng Novaliches District Hospital na mayroong 57 pasyente.
Habang 975 percent ang occupancy rate ng Quezon City General Hospital na mayroong 116 na mga pasyente. (DDC)