Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 18,000; dagdag na 101 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 18,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, Aug. 29 ay 1,954,023 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 17,922 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,777,693 ang gumaling o katumbas ng 91 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 17,693 na gumaling.
143,221 naman ang active cases o katumbas ng 7.3 percent.
Nasa 33,109 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.69 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 101 pang nasawi. (DDC)