301 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 301 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Linggo – August 29, sumampa na sa 40,990 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,476 ang active cases at 30,062 naman ang gumaling.
452 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Ang 301 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (130)
Northern Samar (49)
Biliran (32)
Tacloban City (30)
Ormoc City (21)
Samar (20)
Southern Leyte (16)
Eastern Samar (3)
Nasa “high” pa rin ang average daily attack rate sa Ormoc City at sa Tacloban City. (DDC)