516 na bagong Delta variant cases naitala ng DOH
Nakapagtala ng 516 pang bagong Delta variant cases ng COVID-19.
Ayon sa Department of Health (DOH) batay ito sa panibagong resulta na inilabas ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH).
Sa 516 na bagong Delta variant cases, 473 ay pawang local cases, ang 31 ay pawang Returning Overseas Filipinos (ROF), at 12 cases naman ang bineberipika pa.
Sa 473 na local cases, 114 cases ang nakatira sa National Capital Region, 24 cases ang sa Ilocos Region, 32 sa Cagayan Valley, 64 sa Central Luzon, 79 cases sa CALABARZON, 20 sa MIMAROPA, 16 cases sa Bicol Region, 13 sa Western Visayas, 23 cases sa Central Visayas, 12 cases sa Zamboanga Peninsula, 48 cases sa Northern Mindanao, 22 cases sa Davao Region, at 6 cases sa Cordillera Administrative Region.
Sa pinakabagong mga kaso 6 na lamang ang aktibo, 5 ang pumanaw at 505 ang gumaling na.
Maliban sa 516 Delta (B.1.617.2) variant cases, may naitala ding bagong 73 Alpha (B.1.1.7) variant cases, 81 Beta (B.1.351) variant cases, at 41 na P.3 variant cases sa latest batch ng isinagawang whole genome sequencing. (DDC)