143 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala ng PNP; 1 pang pulis ang pumanaw
Nakapagtala ang Philippine National Police ng 143 pang bagong kaso ng COVID-19.
Sa datos na inilabas ng PNP Health Service, umabot na sa 34,316 ang total number of cases ng COVID-19 sa PNP.
Sa nasabing bilang, 32,295 ang gumaling na makaraang makapagtala ng dagdag na 76 pang gumaling.
Nasa 1,917 naman pa ang aktibong kaso.
Habang 104 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi, makaraang makapagtala ng 1 pang nasawi. (DDC)