Suspensyon sa pagbabayad ng claims sa mga ospital hindi muna ipatutupad ng PhilHealth

Suspensyon sa pagbabayad ng claims sa mga ospital hindi muna ipatutupad ng PhilHealth

Hindi muna ipatutupad ng Philippine Health Insurance Corporation ang circular nito na nagsususpinde sa pagbabayad ng claims sa mga ospital.

Ang Circular No. 2021-0013 ay inilabas ng PhilHealth kamakailan kung saan pansamantalang sinususpinde ang pagbabayad ng claims sa mga healthcare provider na isinasailalim sa imbestigasyon.

Pero ayon kay PhilHealth Spokersperson Shirley Domingo, nagkaroon na sila ng dayalogo kay Health Undersecretary Leopoldo Vega at sa mga ospial.

Ipinaliwanag din ni Domingo na simula nang magkaroon ng pandemya ay hindi sila nagkakaroon ng delay sa pagbabayad ng claims ng mga ospital. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *