Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 16,000; dagdag na 236 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 16,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, Aug. 26 ay 1,899,200 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 16,313 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,734,551 ang gumaling o katumbas ng 91.3 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 9,659 na gumaling.
131,921 naman ang active cases o katumbas ng 6.9 percent.
Nasa 32,728 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.72 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 236 pang nasawi. (DDC)