2 bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dalawang bagong kaso ng Delta Variant ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Ayon sa DOH-Center for Health Development – Eastern Visayas, umabot na sa kabuuang 14 na kaso ng Delta Variant ang naitatala sa rehiyon.
Ang dalawang bagong kaso ay kapwa mayroong travel history sa iba bansa at parehong Returning Overseas Filipino (ROF).
Ang unang kaso ay residente ng Hilongos, Leyte. Nasa isolation center sa Metro Manila pa ang pasyente at hindi pa nakababalik ng Hilongos.
Ang ikalawang kaso naman ay isang buntis na ginang mula sa Hindang, Leyte.
Dumating sa Leyte ang ginang noong August 9 at ngayon ay nasa isang isolation facility sa Hindang.
Ang close contact ng nasabing pasyente ay ang driver nang siya ay bumiyahe mula sa Tacloban City patungong Hindang, Leyte.
Naisailalim na sa swab test ang driver at negatibo naman ito sa COVID-19. (DDC)