PNP nagsimula nang maghanda para matiyak ang mapayapang pagdaraos ng 2022 elections
Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang paghahanda ng pambansang kapulisan para matiyak ang mapayapang pagdaraos ng 2022 elections.
Kabilang sa utos ni Eleazar ang i-monitor at i-account ang mga private armed groups at loose firearms na maaring magamit sa pananakot at pananabotahe sa resulta ng eleksyon.
Pinatututukan din ni Eleazar ang presensya ng mga armadong grupo base sa datos ng mga nagdaang halalan.
Makikipag-ugnayan na din ang PNP sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa ipatutupad na seguridad sa mga lugar na may mataas na presensya ng armed groups lalo na ng CPP-NPA-NDF. (DDC)