BREAKING: Pulis na bumaril sa mag-ina sa Tarlac noong nakaraang taon, hinatulang guilty ng korte
Guilty ang hatol ng korte sa pulis na si Jonel Nuesca.
Si Nuesca ang pulis na bumaril sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio sa Paniqui, Tarlac noong nakaraang taon.
Guilty beyond reasonable doubt ang hatol ng korte kay Nuesca sa salang 2 counts of murder.
“Double life sentenceā ang hatol ng korte kay Nuesca.
Inatasan din ng korte si Nuesca na magbayad ng tig-P476,280 sa mga kaanak ng mga Gregorio.
Magugunitang nag-viral ang nakapangingilabot na pagbaril ni Nuesca sa mag-inang Gregorio habang sila ay nasa kasagsagan ng pagtatalo. (DDC)