Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City 115,087 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 125,767 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ng Huwebes, August 26.
Samantala, nasa 9,371 o katumbas ng 7.5 percent ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
115,087 o 91.5 percent naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod.
Habang 1,309 o 1 percent ang nasawi. (DDC)