Pangulong Duterte tinanggap ang pag-endorso ng PDP-Laban para tumakbo siyang vice president sa 2022 elections
Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-endorso sa kaniya ng PDP-Laban para tumakbo siyang bise presidente sa 2022 elections.
Sa pahayag na inilabas ni PDP Laban Executive Vice President Karlo Nograles, sumang-ayon na si Pangulong Duterte sa magsakripisyo at tumugon sa panawagan ng sambayanan na tumakbo siyang bise presidente sa 2022 elections.
Layunin nitong masiguro na magtutuloy-tuloy ang mga programang naumpisahan ng kaniyang administrasyon sa paglaban sa terorismo, korapsyon, kahirapan, ilegal na droga, natagumpay na implementasyon ng Build-Build-Build Program, at pagpapatuloy ng COVID-19 Vaccination Program.
Samantala, inanunsyo din ng PDP-Laban ang inisyal na listahan ng kanilang Senatorial slate.
Kinabibilangan ito nina House of Representatives Deputy Speaker Rodante Marcoleta, DICT Sec. Gregorio Honasan, DOTr Sec. Arthur Tugade at DPWH Sec. Mark Villar. (DDC)