Storage area ng FDA sa Muntinlupa tinupok ng apoy
Tinupok ng apoy ang storage area ng Food and Drug Administration (FDA) sa Muntinlupa City.
Nagsimula ang sunog alas 7:35 ng Lunes (Aug. 23) na umabot lang sa first alarm.
Ayon sa BFP-Muntinlupa agad ding naapula ang apoy alas 8:08 ng gabi.
Partikular na naapektuhan ng sunog ang Feed Storage Room ng FDA sa Filinvest Corporate City.
Nagsimula ang sunog sa nag-spark na feed dryer machine.
Wala namang nasugatan sa insidente. (DDC)