Kapakanan ng taumbayan dapat unahin ng DOTr at hindi ang pansariling interest – Sen. Poe

Kapakanan ng taumbayan dapat unahin ng DOTr at hindi ang pansariling interest – Sen. Poe

Hinimok ni Senador Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) na unahin ang kapakanan ng taumbayan at hindi ang pansariling interes.

Sa gitna ito ng pagkwestyon ni Poe sa implementasyon ng hindi napapanahong Motor Vehicle Inspection System sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Binatikos ni Poe ang muling pagsusulong ng implementasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Centers sa gitna ng pandemya.

Nakatanggap ng report ang senador na may ilang PMVIC ang pinilahan ng mga nais magparehistro ng sasakyan at hindi na napanatili ang social distancing.

Sa impormasyon, ipinatutupad ang PMVIC testing sa halos lahat ng rehiyon maliban lamang sa CAR, CARAGA at BARMM.

May mga impormasyon din na ilang motorista ang pwersahang pinabibili ng insurance policies sa PMVIC operators upang makapasa sa vehicle examination.

Una nang inirekomenda ng Senate committee on public services ang pagbasura sa Department Order 2018-019 kaugnay sa mga problema sa inspection standards, errors sa test results, at iba pang isyu sa transparency sa accreditation process. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *