466 na bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19, naitala ng DOH

466 na bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19, naitala ng DOH

Nakapagtala ng 466 na bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19.

Batay ito sa resulta ng pinakahuling batch ng genome sequencing na inilabas ng
University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH).

Sa dagdag na 466 Delta variant cases, 442 ay pawang local cases, 14 ay Returning Overseas Filipinos (ROF), at ang 10 kaso ay bineberipika pa.

201 cases ang naitala sa National Capital Region, habang ang 69 na kaso ay sa Central Luzon, 7 sa Cagayan Valley, 49 sa CALABARZON, 14 sa MIMAROPA, 4 sa Bicol Region, 52 sa Western Visayas, 19 sa Central Visayas, 6 sa Northern Mindanao, 11 sa Davao Region, 7 sa SOCCSKSARGEN, at 3 sa Ilocos Region.

Sa 466 na kaso, isa ang active pa, walo ang nasawi, 457 naman ang gumaling na.

Samantala, nakapagtala din ng dagdag na 90 bagong kaso ng Alpha (B.1.1.7) variant, 105 na Beta (B.1.351) variant cases, at 41 na P.3 variant cases. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *