Pamamahagi ng ECQ ayuda sa Caloocan nakumpleto na

Pamamahagi ng ECQ ayuda sa Caloocan nakumpleto na

Natapos na ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pamamahagi ng P1,342,711,000 ECQ cash aid mula sa national government.

Sa loob ng labindalawang-araw na distribusyon, kabuuang 402,835 pamilya ang nakatanggap ng cash assistance sa Caloocan.

Ang Caloocan ang unang lungsod sa Metro Manila na nakatapos sa pamamahagi ng kabuuang alokasyon ng pamahalaang nasyonal para sa mga residente nito.

Kabilang sa mga nakatanggap ng ayuda ay ang mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program o SAP, Pantawid Pamilyang Pilipino Program members o 4Ps, persons with disabilies, solo parents, at TODA/JODA members.

Nagpasalamat naman si Caloocan Mayor Oca Malapitan sa pondong ibinigay ng pamahalaang nasyonal bilang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng ipinatupad na ECQ.

Pinasalamatan din ng alkalde ang lahat ng naging katuwang ng LGU upang maging mabilis at organisado ang pamimigay ng ayuda sa mga benepisyaryo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *