P120M na halaga ng mga yate nakumpiska ng Customs

P120M na halaga ng mga yate nakumpiska ng Customs

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang apat na luxury yachts sa Manila International Container Terminal (MICT) sa Maynila.

Kinumpiska ang mga yate sa bisa ng seizure order na ipinalabas ni MICP District Collector Romeo Allan R. Rosales salig sa Section 1113 ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ang mga kinumpiskang yate ay ang Le Boss (approx 70 footer), Yuzhen8 (approx 55 footer), Yua Hal Ming Zhu (approx 110 footer, at ang Gu Cheng Gang Guan (approx 59 footer).

Ginagawamit ang mga yate sa transport services, residence at iniaalok bilang venues para sa events at private use nang walang karampatang conversion permit.

Hindi rin nagbabayad ng duties at taxes ang may-ari nito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *