Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 16,000; dagdag na 215 pa ang pumanaw
Nakapagtala muli ng mahigit 14,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, Aug. 22 ay 1,839,635 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 16,044 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,681,925 ang gumaling o katumbas ng 91.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 13,952 na gumaling.
125,900 naman ang active cases o katumbas ng 6.8 percent.
Nasa 31,810 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.73 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 215 pang nasawi. (DDC)