197 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas
Nakapagtala ng dagdag na 197 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Linggo – August 22, sumampa na sa 39,691 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,383 ang active cases at 37,861 naman ang gumaling.
447 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw makaraang makapagtala ng tatlong pang nasawi.
Ang 197 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:
Leyte (83)
Southern Leyte (40)
Tacloban City (25)
Ormoc City (15)
Samar (13)
Biliran (11)
Eastern Samar (10)
Nasa “high” pa rin ang average daily attack rate sa Tacloban City at Ormoc City. (DDC)