Kalidad ng indelible ink sa 2022 elections dapat tiyakin ng Comelec

Kalidad ng indelible ink sa 2022 elections dapat tiyakin ng Comelec

Nanawagan ang isang transparency group sa Commission on Elections (Comelec) na siguruhin ang kalidad ng gagamiting indelible ink sa 2022 elections.

Ayon kay Jo Perez, tagapagsalita ng Filipino Alliance for Transparency, dapat siguruhin ng Comelec ang integridad ng kumpanyang kukuhanin upang magsuplay ng indelible ink.

Kailangan aniyang maging masusi ang Comelec sa pagpili ng makakakuha ng kontrata para hindi malusutan ng mababang kalidad ng indelible ink na posibleng magamit pa sa pandaraya.

Noong Martes, August 17 ay isinagawa ng Comelec ang online bidding para sa gagamiting indelible ink.

Anim na kumpanya ang lumahok sa bidding process kabilang ang Ideal Marketing, T. and E. Enterprises, ASA Color, Arik General Merchandising, Topbest Printing at MICX International.

Sa una pa lamang ay nadiskwalipika agad ang Ideal Marketing at Arik dahil sa teknikalidad.

Panawagan ng FATE kailangang maging maingat ang Comelec dahil may natanggap silang impormasyon na dalawa sa apat na naturang bidder ay may kaduda-dudang kredibilidad.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *