Mga guro sa Caloocan, bibida sa Tiktok Challenge

Mga guro sa Caloocan, bibida sa Tiktok Challenge

Bilang pagkilala sa sakripisyo at dedikasyon ng mga guro ngayong COVID-19 pandemic, isang Tiktok challenge muli ang ilulunsad ni Caloocan City Councilor Vince Hernandez.

Ito ay matapos ang matagumpay na pagdaraos ng Tiktok Challenges sa mga ina at ama ng tahanan noong Mothers’ Day at Fathers’ Day.

Ang tiktok challenge na may temang ‘Lodi kong Dancer sina Mam at Sir’ ay alay ng Milenyal na Konsehal bilang pagpapahalaga sa mga guro kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day.

Sinabi ni Konsi Vince na mahalagang maipadama rin sa mga guro ang pasasalamat at pagkilala sa lahat ng kanilang mga ginagawa.

“Ang ating mga guro sa ngayon ay hindi lamang nagsisilbing pangalawanv magulang ng mga estudyante bagkus sila ay kabilang sa ating mga bagong bayani ngayong panahon ng pandemya,” saad ni Konsi Vince.

Ang ‘Lodi Kong Dancer sina Mam at Sir’ Tiktok Challenge ay limitado lamang sa mga guro sa District 1 ng Caloocan City habang isinaayos pa ang pa-contest sa District 2 at 3.

Magsisimula ang pagtanggap ng Tiktok entry sa August 25 at tatagal hanggang September 10 habang ang mananalo ay iaanunsyo kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day sa Oktubre.

Ang grand winner para sa Tiktok Challenge ay tatanggap ng P30,000 habang ang 1st runner up ay may premyong P20,000 at P10,000 sa 2nd runner up bukod pa sa mga surprise prizes sa iba pang lalahok.

Sa mga nais lumahok, kinakailangan lamang bumuo ng grupo ng mga guro sa bawat paaralan sa Caloocan District 1.

Ang tiktok entry ay kailangang ipadala sa convincedarmy@gmail.com na nakasaad ang Tiktok Link, Pangalan ng Paaralan, Address, Barangay at Contact Number.

Sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang ConVINCEd Army FaceBook Page.

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *