Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Quezon City 112,118 na
Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 122,375 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng sakit sa lungsod hanggang 8:00 ng umaga ng Linggo, August 22.
Samantala, nasa 8,959 o katumbas ng 7.3 percent ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
112,118 o 91.6 percent naman ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod.
Habang 1,298 o 1.1 percent ang nasawi. (DDC)