COVID-19 ward ng Las Piñas Doctors Hospital nasa full capacity na
Punuan na ang COVID-19 ward ng Las Piñas Doctors Hospital.
Sa inilabas na abiso ng pagamutan, naabot na ng kanilang COVID-19 ward ang full capacity.
Sa kabila nito magpapatuloy ang pagtanggap sa mga non-COVID patients.
Mananatili din ang serbisyo ng out-patient, in-patient diagnostics at Emergency Room ng ospital. (DDC)