Shabu tinangkang ipuslit para sa dalawang returning overseas Filipino na naka-quarantine sa isang hotel sa Taguig

Shabu tinangkang ipuslit para sa dalawang returning overseas Filipino na naka-quarantine sa isang hotel sa Taguig

Naharang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang rider ng mula sa isang kilalang delivery company matapos tangkaing maghatid ng iligal na droga sa dalawang returning overseas Filipino (ROF) mula United Arab Emirates (UAE) na naka-quarantine sa isang isolation hotel sa Bonifacio Global City, Taguig.

Base sa spot report na inilabas ng PCG Task Group Bantay Bayanihan, bandang alas 4:00 ng hapon dumating ang unang rider na may dalang package.

Base sa online declaration form na sinagutan ng sender, damit at cellphone ang laman nito.

Pero nang inspeksyunin ng PCG at Bureau of Quarantine (BOQ) personnel, may nakitang plastik na may lamang hinihinalang ‘shabu’ sa likod ng cellphone cover.

Agad na dinala ang rider at ang nasabing package sa Taguig Police Station para sa karampatang aksyon at doon natuklasan na wala itong alam sa laman ng package.

Makalipas ang isa’t kalahating oras, isa pang rider ang dumating sa isolation hotel. Aniya, pinsan siya ng ROF na paghahatiran ng damit na laman ng dala niyang package.

Nang inspeksyunin, muling nakakita ng plastik na may lamang ‘white crystalline substance’ na hinihinalang iligal na droga.

Dinala rin anf rider sa police station para sumailalim sa imbestigasyon.

Kinumpirma naman ng Philippine National Police (PNP) na ‘methamphetamine’ nga ang laman ng dalawang plastik na natagpuan sa magkaibang package na tinangkang ipasok sa isolation hotel.

Matapos nito, nakipag-ugnayan ang pulisya sa dalawang ROF na paghahatiran ng mga package na nakitaan ng iligal na droga.

Nakatakdang sampahan ng kaso ang dalawang ROF at ang rider na pinsan ng ikalawang ROF dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *