Metro Manila sasailalim sa MECQ mula August 23 hanggang August 31
Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR) at lalawigan ng laguna simula bukas, August 21 hanggang August 31, 2021.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isasailalim din sa MECQ ang Bataan simula naman sa Aug. 23 hanggang Aug. 31.
Isinailalim sa dalawang linggong lockdown ang National Capital Region at iba pang lugar dahil sa banta ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.
Samantala, sinabi ni Roque na sa ilalim ng MECQ, ipinagbabawal ang indoor at Al Fresco dine-in services.
Hindi rin aniya pinapayagan ang personal care services, gaya ng mga beauty salon, beauty parlor, barbershop at nail spa.
Limitado pa rin sa virtual activities ang mga religious gathering. (Infinite Radio Calbayog)