Mahigit 700,000 na indbidwal fully-vaccinated na sa Maynila

Mahigit 700,000 na indbidwal fully-vaccinated na sa Maynila

Umabot na sa mahigit 700,000 na indibidwal ang fully vaccinated na sa lungsod ng Maynila.

Sa datos na inilabas ng Manila Health Department, 1,813,907 ang total vaccines administered sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 1,148,237 ang para sa first dose habang 704,467 naman ang fully vaccinated na.

Ngayong araw isasagawa ang first dose na pagbabakuna para sa mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa labindalawang (12) school sites.

Mayroong tig-1,800 doses ang nakalaan sa bawat site.

Makatatanggap naman ng second dose ng bakunang Sinovac ang mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups na una nang nabakunahan noong Hulyo 23, 2021 sa mga LGU hospitals. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *