90 pang Pinoy nananatili sa Afghanistan
Mayroon pang 90 Pinoy sa Afghanistan na kailangang ilikas.
Ayon sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa 90 Pinoy na nalalabi sa naturang bansa, ay 79 pa lamang ang nag-request para sa repatriation.
Patuloy ang ginagawang hakbang ng DFA para mailikas ng ligtas ang nalalabing mga Pinoy sa Afghanistan.
Noong Miyerkules ng gabi, tinangka na ilikas ang mga Pinoy para madala sa New Delhi at Islamabad.
Gayunman, hindi ito nagtagumpay dahil nakansela ang lahat ng commercial flights.
Sinabi ng DFA na mahirap pa rin ang access sa airport at walang katiyakan kung kailan magkakaroon ng flight.
May ilang Pinoy din ang nakaalis na ng Afghanistan dahil isinama sila ng kanilang dayuhang employers. (DDC)