Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa mahigit 11,000; dagdag na 161 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng mahigit 11,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Miyerkules, Aug. 18 ay 1,776,495 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 11,085 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,640,721 ang gumaling o katumbas ng 92.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 11,085 na gumaling.
105,151 naman ang active cases o katumbas ng 5.9 percent.
Nasa 30,623 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.72 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 161 pang nasawi. (DDC)