165 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

165 pang bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Eastern Visayas

Nakapagtala ng dagdag na 165 pang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa inilabas na datos ng Eastern Visayas – Center for Health and Development araw ng Miyerkules – August 18, sumampa na sa 38,741 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,339 ang active cases at 36,961 naman ang gumaling.

441 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw makaraang makapagtala ng dalawa pang nasawi.

Ang 165 na bagong kaso na nadagdag at mula sa sumusunod na mga lalawigan at lungsod:

Leyte (81)
Samar (21)
Eastern Samar (20)
Tacloban City (17)
Ormoc City (11)
Southern Leyte (11)
Biliran (3)
Northern Samar (1)

Nasa “high” pa rin ang average daily attack rate sa Tacloban City at Ormoc City. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *