COVID-19 vaccines Tripartite Agreement pinaiimbestigahan

COVID-19 vaccines Tripartite Agreement pinaiimbestigahan

Isinusulong ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang imbestigasyon sa tripartite agreement ng mga lokal na pamahalaan para sa pagbili ng COVID-19 vaccines dahil karamihan ay hindi pa rin nalalagdaan at naka-hold.

Sa kanyang Senate Resolution 858, nais ni Zubiri na i-convene ang Senado bilang Committee of the Whole at imbestigahan ang National Task Force (NTF) against COVID-19 sa mga tripartite deals.

Binigyang-diin ng mambabatas na sa ilalim ng Vaccination Program Act of 2021, pinapayagan ang mga LGU na bumili ng sarili nilang bakuna.

Sa impormasyon ni Zubiri, nasa 42 lokal na pamahalaan ang nakapagpa-reserba na ng mga bakuna subalit marami pa rin ang hindi pa nalalagdaan ang kasunduan.

Sa datos pa ni Zubiri, nasa 10 milyong doses ng bakuna ang inorder na ng mga LGU at ng may 300 private companies sa pammagitan ng multi-party agreements subalit pending pa rin ang mga ito. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *