Cavite Gov. Jonvic Remulla umapela ng dagdag na suplay ng bakuna sa Region 4-A.

Cavite Gov. Jonvic Remulla umapela ng dagdag na suplay ng bakuna sa Region 4-A.

Pinuna ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang aniya’y vaccine inequality sa Metro Manila at sa mga lalawigan sa CALABARZON.

Sa inilabas na graphic illustration ni Remulla, ang NCR ay mayroong total population na 13,484,462 habang ang mga lalawigan sa CALABARZON ay mayroong 16,195,042 na populasyon.

Nakasaad din sa illustration na ang NCR ay nakatanggap na ng 12,211,330 doses ng bakuna habang ang CALABARZON ay nakatatanggap pa lamang ng 4,447,500 doses ng bakuna.

Sinabi ni Remulla na bagaman ang NCR ang epicenter ng pandemya ay dahil kalapit lan ng NCR ang Cavite at Laguna, kaya hindi maiiwasang kumalat din sa lalawigan ang malalang epekto ng COVID-19.

Maliban dito, karamihan aniya sa mga residente ng Cavite ay naghahanapbuhay o malimit na napapadpad sa NCR.

Dahil dito, hiniling ni Remulla sa Department of Health (DOH) na bigyan ng pansin ang kakulangan ng supply ng bakuna sa rehiyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *