Apat pang pulis pumanaw dahil sa COVID-19
Nakapagtala ang Philippine National Police ng mahigit 170 pang bagong kaso ng COVID-19.
Sa datos na inilabas ng PNP Health Service, nakapagtala din ng dagdag na 176 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pambasang pulisya.
Dahil dito umabot na sa 32,631 ang total number of cases ng COVID-19 sa PNP.
Sa nasabing bilang, 30,550 ang gumaling na at 1,985 pa ang aktibong kaso.
Nasa 96 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi makaraang makapagtala ng apat pang dagdag na pumanaw. (DDC)