Pangulong Duterte hindi pwedeng pahintuin ang COA sa pagganap nito sa tungkulin

Pangulong Duterte hindi pwedeng pahintuin ang COA sa pagganap nito sa tungkulin

Walang kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na patigilin ang Commission on Audit (COA) sa pagganap nito sa tungkulin.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, hindi pwedeng pahintuin ni Pangulong Duterte ang COA sa pagganap sa constitutional mandate nito.

Salig aniya sa mandato ng COA, dapat nitong tiyakin na nagagamit ng wasto ang public funds at dapat isapubliko ang resulta ng ginagawa nilang audit.

Ginawa ni Lagman ang pahayag matapos batikusin ni Pangulong Duterte ang COA sa pagpuna nito sa ginawang paggasta ng COA ng Department of Health (DOH) sa P67.32 Billion na COVID-19 funds.

Sinabi ni Lagman na mistulang nakaligtaan ng pangulo na ang COA ay isang independent constitutional commission na hindi accountable sa pangulo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *