DOH hinikayat na mag-order na ng bakuna para sa mga bata
Hinimok ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Department of Health na ngayon pa lamang ay umorder na ng Covid-19 vaccines apra sa mga bata.
Ito, ayon sa senador, ay upang maiwasan na maging problema muli ng bansa ang kakapusan ng suplay ng bakuna.
Ginawa ni Drilon ang apela makaraang pumalo sa mahigit 14,000 ang kaso ng Covid19 at marami nang bata ang tinatamaan ng virus.
Sinabi ni Drilon na dapat ngayon pa lang ay pinaplano na ang procurement upang makarating ang bakuna sa unang quarter ng susunod na taon.
Una nang sinabi ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo na kung isasama na sa vaccination program ang mga bata, nangangahulugan ito ng dagdag na 12 milyon hanggang 14 na milyong taong dapat bakunahan. (Dang Garcia)