Mahigit 180,000 na pamilya naabutan na ng ECQ ayuda sa Caloocan

Mahigit 180,000 na pamilya naabutan na ng ECQ ayuda sa Caloocan

Hindi bababa sa 180,359 mga pamilya sa Caloocan o 44% ng target na benepisyaryo ang nakatanggap na ng kanilang ECQ cash assistance.

Sa loob ng unang limang araw ng pamamahagi ay umabot na sa P658,631,000 ang halaga na naipamahagi sa mga pamilya.

Sa kabuuan, hindi bababa sa 410,053 pamilya sa lungsod ang nakatakdang mabigyan ng ayudang ito mula sa pamahalaang nasyonal.

Sa direktiba ni Mayor Oca Malapitan ay nakatakda pang magdagdag ang Pamahalaang Lungsod ng payout sites upang mas mapabilis pa ang pamamahagi nito sa iba pang mga benepisyaryo.

Kabilang sa mga makakatanggap ng ayudang ito ay ang mga benepisyaryong nakatanggap din noong nakaraang ECQ ayuda.

Sa Caloocan, kabilang dito ang mga dati nang nakatanggap na SAP beneficiaries, 4Ps members, PWDs, solo parents, at TODA/JODA members.

Makakatanggap ng P1,000 ang bawat benepisyaryo o hanggang P4,000 kada pamilya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *