Balitang lockdown sa Dagupan City hindi totoo
Peke umano ang kumakalat na balita na magpapatupad ng lockdown sa Dagupan City.
Nilinaw ni Dagupan City Mayor Brian Lim na hindi totoo ang kumakalat na balitang magpapatupad ng lockdown sa Dagupan City.
“Iyon pong lockdown na pinapakalat ng mga fake news trolls ay panakot lamang. They want to cause panic to people,” ayon kay Lim.
Noong Biyernes, August 13, inilabas ng Pamahalaang Lungsod ang Executive Order No. 26 para ipaalala sa publiko ang mas mahigpit na mga hakbang na ipinatutupad sa Dagupan City para labanan ang pagkalat ng COVID-19.
Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na may mga kaso ng COVID-19 sa bansa na dulot ng mas nakahahawang Delta variant.
Kabilang sa mga ipinatutupad sa lungsod ang pagsasara ng palengke tuwing una at ikatlong Huwebes ng buwan, 4:00 AM hanggang 9:00 PM na curfew hours, at pagsusuot ng face maska at face shield sa palengke.
Walang nakalagay sa nasabing executive order na may deklarasyon ng lockdown sa Dagupan City.
Binigyang-linaw naman ni Mayor Lim na ang basehan ng DOH sa pagkakabilang ng Dagupan City at ng ibang lugar sa bansa sa COVID-19 alert classification ay dahil sa COVID-19 bed capacity ng mga ospital at hindi dahil sa bilang ng mga kaso sa mga lugar na ito. (DDC)