Voter registration dapat palawigin ayon sa mga senador
Hinimok ng pitong senador ang Commission on Elections (Comelec) na iatras ang deadine sa voter registration mula September 30 ay gawing October 31.
Inihain nina Senators Francis Pangilinan, Ralph Recto, Franklin Drilon, Nancy Binay, Leila de Lima, Risa Hontiveros, at Joel Villanueva ang isang Senate Resolution na nagsusulong ng voter registration extension.
Sinabi ng mga senador na ang isang buwang extension ay paraan upang maiwasang maraming botante ang hindi mabigyan ng oportunidad na makapagparehistro dahil sa mas mahigpit na health protocols na ipinatutupad sa Metro Manila at iba lang lalawigan.
Binigyang-diin ng mga senador na nasuspinde ang voter registration sa loob ng limang buwan dahil sa pandemic.
Batay sa impormasyon mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) kaugnay sa voting population, nasa 13.3 milyong potential voters ang hindi pa nakakapagrehistro para sa eleksyon sa susunod na taon. (Dang Garcia)