Unang kaso ng Lambda variant ng COVID-19 naitala sa bansa
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapagtala na ng unang kaso gn Lambda variant ng COVID-19 sa Pilipinas.
Base ito sa latest Biosurveillance Report mula sa Philippine Genome Center.
Ang unang kaso ng Lambda variant sa bansa ay isang 35-anyos na babae na. Inaalam pa kung isa itong local case o returning overseas Filipino.
Asymptomatic ang pasyente at naka-recover na makaraang sumailalim sa 10 araw na isolation.
Ang Lambda variant ay unang na-detect sa Peru noong August 2020 at itinuring nang Variant of Interest (VOI) ng World Health Organization noong June 14, 2021.
Samantala, nakapagtala din ang DOH ng 182 na bagong kaso ng Delta variant, 66 cases ng Beta variant, 41 cases ng Alpha variant, at 40 cases ng P.3 variant.
Ang dagdag na 182 Delta variant cases ay kinabibilangan ng 112 na local cases, 36 na Returning Overseas Filipinos (ROF), at 34 ang bineberipika pa.
Sa 112 na local cases, 42 ang mula sa National Capital Region, 36 ang mula sa Central Luzon, 8 sa CALABARZON, 6 sa MIMAROPA, 6 sa Northern Mindanao, 4 sa Central Visayas, 3 sa Davao Region, 3 sa Caraga, 2 sa Western Visayas, at tig-isang kaso sa Cordillera Administrative Region at BARMM. (DDC)