Pensyon para sa mga magsasaka at mangingisda isinusulong

Pensyon para sa mga magsasaka at mangingisda isinusulong

Isinusulong ni Senador Lito Lapid ang panukala sa pagbuo ng Agricultural Pension Fund (APF) upang mabigyan ng pensyon ang mga manggagawa mula sa agricultural sector, partikular ang mga magsasaka at mangingisda.

Sa kanyang Senate Bill No. 2335, sinabi ni Lapid na polisiya ng estado na rebisahin at iupgrade ang pensions at iba pang benepisyo ng mga retirees mula sa government at private sectors.

Binigyang-diin ng senador na ang agrikultura ang isa sa pinakamahalagang industriya sa bansa bilang pangalawa sa pinakamalaking sektor ng mga manggagawa.

Idinagdag ng senador na hindi matatawaran ang kasipagan ng mga magsasaka at mangingisda at sa gitna ng mga pagsubok na pinagdaanan ng ating bansa, patuloy silang kumakayod para maitaguyod ang kanilang mga pamilya at masigurong sapat ang supply ng pagkain. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *