Paghawak ng DOH sa COVID-19 fund pinaiimbestigahan sa senado

Paghawak ng DOH sa COVID-19 fund pinaiimbestigahan sa senado

Nais nina Senador Grace Poe at Franklin Drilon na magsagawa ang Senado ng investigation in aid of legislation sa paggamit ng Department of Health (DOH) sa P67.32 billion COVID-19 fund na una nang pinuna ng Commission on Audit (COA) dahil sa deficiencies.

Sinabi ni Poe na ang pondo ay naglalayong palakasin ang laban ng bansa kontra COVID 19 pandemic subalit dahil sa problema sa paggatos nito ay marami sa mamamayan ang napagkaitan ng karapatan para sa maayos na kalusugan.

Sa halip anya na gamitin para suportahan ang COVID pandemic response, natengga o hindi nagamit nang maayos ang pondo.
Sa kanyang panig, sinabi ni Drilon na kailangang mabusisi ang paraan ng paghawak ng DOH sa pondo upang agad maitama ang mga maling hakbangin.

Ipinaalala ni Drilon na mayroon na ring alegasyon ng katiwalian sa pagbili ng Personal Protective Equipment at mga test kits sa DOH. (Dang Garcia)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *