Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa 13,000; dagdag na 299 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng 12,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Aug. 13 ay 1,713,302 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 13,177 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,587,069 ang gumaling o katumbas ng 92.6 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 4,322 na gumaling.
96,395 naman ang active cases o katumbas ng 5.6 percent.
Nasa 29,838 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.74 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 299 pang nasawi. (DDC)