Mahigit 575,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines dumating sa bansa

Mahigit 575,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines dumating sa bansa

Dumating sa bansa ang 575,800 doses ng COVID-19 vaccines ng AstraZeneca na binili ng pribadong sektor sa pamamagitan ng “A Dose of Hope” program.

Ngayong buwan ng Agosto, inaasahang 1.15 million doses ng AstraZeneca vaccines ang darating sa bansa.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion, ang dumating araw ng Biyernes ay 50% ng binili nilang mga bakuna.

Dahil sa mga bagong dating na mga bakuna, umabot na sa kabuuang 7,849,740 doses ng AstraZeneca vaccines ang dumating sa bansa.

Kasama sa nasabing bilang, 1,124,100 doses ang donasyon ng Japanese Government, 4,584,000 doses ang galing sa COVAX facility, at 415,040 ang donasyon ng UK government. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *