Ika-15 kaso ng COVID-19 naitala sa Batanes

Ika-15 kaso ng COVID-19 naitala sa Batanes

Nakapagtala ng panibagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Batanes.

Isang 26 anyos na lalaki na tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dumating sa Batanes galing Tuguegarao City noong August 10 ang nagpositibo sa RT PCR test.

Ito na ang ikalabinglimang kaso ng COVID-19 sa Batanes.

Bagaman asymptomatic nang dumating sa Batanes ay naging tapat ito nang ideklara sa kaniyang Health Declaration Form na nagkaroon siya ng sipon noong August 7.

Dinala na sa Batanes Resort Isolation Facility ang pasyente.

Sa ngayon ay isa lang ang active cases ng COVID-19 sa Batanes at wala pang naitatalang nasawi. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *