Travel restrictions sa 10 mga bansa pinalawig hanggang August 31
Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin pa ang umiiral na travel restrictions sa sampung mga bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, simula August 16 hanggang 31, 2021 ay paiiralin pa rin ang travel restrictions sa sumusunod na mga bansa:
India
Pakistan
Bangladesh
Sri Lanka
Nepal
United Arab Emirates
Oman
Thailand
Malaysia
Indonesia
Ayon kay Roque bunsod ito ng mataas pa rin na banta ng COVID-19 sa nasabing mga bansa.
Ang mga biyahero na mayroong history ng pagbiyahe sa nasabing mga bansa sa nakalipas na 14 na araw ay hindi papayagang pumasok sa Pilipinas.
Exempted naman dito ang mga Pinoy na bahagi ng repatriation program ng pamahalaan. (DDC)