Mahigit 1,300 na driver nabakunahan sa unang araw ng Vaccine Express ng OVP sa QC
Naging matagumpay ang unang araw ng Vaccine Express ng Office of the Vice President sa Quezon City.
Umabot sa 1,333 na tricycle drivers, jeepney drivers at delivery riders ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, hakbang ito sa pagkakaroon ng dagdag proteksyon ng mga driver sa gitna ng araw-araw nilang pagbiyahe.
Nagpasalamat naman si Robredo sa mga nakatuwang nila sa programa.
Ang mga nabakunahan ay nabigyan din natin ng incentives tulad ng post-vaccination care kits na may lamang face masks, gamot at tubig; gift certificate para sa grocery, mga bottled drinks, at iba pa pang mga items. (DDC)