Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot sa 12,000; dagdag na 165 pa ang pumanaw
Nakapagtala ng 12,000 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Huwebes, Aug. 12 ay 1,700,363 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 12,439 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 1,583,161 ang gumaling o katumbas ng 93.1 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 6,090 na gumaling.
87,663 naman ang active cases o katumbas ng 5.2 percent.
Nasa 29,539 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.74 percent makaraang makapagtala ng dagdag na 165 pang nasawi. (DDC)