Maynila nakapagbakuna ng 1,000,000 tao kontra COVID-19
Nakapagbakuna na ng isang milyong tao ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila kontra COVID-19.
Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department hanggang alas 3:00 ng hapon ng Huwebes (August 12), umabot na sa 1,000,077 na tao ang binigyan ng isang dose ng bakuna kontra COVID-19.
667,439 naman ang ganap nang bakunado o “fully vaccinated” kontra COVID-19.
Ayon kay Punong Lungsod Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, ito ay resulta ng malawakang pagbabakuna ng Pamahalaang Lungsod mula noong nagsimula ang vaccination program noong Marso 2021
Sa kasalukuyan, 19 na eskwelahan at apat na mall ang ginagamit bilang vaccination sites, maliban pa sa anim na district hospitals sa lungsod at ang tuluy-tuloy na “home service” na bakunahan. (DDC)