DOH tinawag na iresponsable ang pahayag ni Dr. Romeo Quijano laban sa COVID-19 vaccine
Mariing kinondena ng Department of Health (DOH) ang mga health professional na nagpapalaganap ng pekeng impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccines.
Ang pahayag ng DOH ay kasunod ng panayam sa radio station kay Dr. Romeo Quijano na nagsasabing hindi ligtas ang bakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa DOH, iresponsable ang pahayag na ito ni Quijano lalo ngayong may banta ng mas nakahahawang variant ng sakit na Delta variant.
Snabi ng DOH na pataas ng pataas ang real-world evidence na sa pamamagitan ng pagpapabakuna ay nababawasan ang posibilidad na maospital o masawi dahil sa COVID-19.
Sa mga bansa umano na mataas na ang bilang ng mga mamamayan na nabukunahan, kahit tumataas muli ang COVID-19 cases na naitatala ay hindi naman tumataas ang bilang ng mga naoospital at nasasawi.
Tinawag din ng DOH na iresponsable ang mga media outlet na pumapayag na magamit ang kanilang platform sa pagpapalaganap ng walang basehang mga impormasyon. (DDC)